Gusto mo bang makakita ang ibat-ibang uri ng mga bulaklak.simula sa maliit hanggang sa malaking uri ng mga ito.
Dito ka magtungo sa Flower farm na ito at siguradong mapapa wow ka kapag nakarating ka dito.
Malawak ang taniman ng bulaklak kaya marami kang makikita dito.sulit ang pamamasyal dito.
Bago mo marating ang entrance ng flower farm una mong madadaanan ang mini food court,shabu shabu,atbp.
Kaya hindi problema ang pagkain kapag nagutom ka sa pamamasyal sa loob ng flower farm.
Mas masarap mamasyal dito sa buwan ng taglamig.Buwan ng December hanggang February maganda dito magtungo.dahil ang mga bulaklak ay naka base sa taglamig..o yung nabubuhay lamang kapag taglamig.
Kapag summer naman mga pang summer na flower ang iyong makikita dito.katulad ng naglalakihang sunflower.
Ang nasa larawan na makikita sa ibaba ay kuha ko sa buwan ng March..
Huwag kayo magdadala ng masyadong malaking bag sapagkat walang locker na puwedeng paglagyan.
Makaka istorbo lamang ito habang namamasyal sa loob ng flower farm.At huwag mag soot ng sapatos na may takong..malambot ang lupa.
Advisable ang rubber shoes.
Direction1:
Simula sa Taoyuan at Zhongli ang sasakyan mo ay Orange Train.ito ay kilala bilang kwai kwai.or high speed train..huwag kang sasakay sa local or iyong mabagal sapagkat matagal kang makararating doon.
Kung bibili ka ng ticket sa counter.Sabihin mo lang (Fongyen station ang bigkas)Tamang spelling Fengyuan Station..Pagbaba mo ng Train sa Fengyuan Station..lilipat ka ng mabagal na train pabalik ng isang station.(Sa Houli ) Pag EXIT mo ng Houli station may mga taxi patungong flower farm.
Direction2:
High Speed train- Zhongli to Maioli station at lumipat ka sa mabagal na Train patungo ng Fengyuan at Taichung dadaan ito ng Houli station.
Ito ang easy way kung hindi ka ngmamadali.
Or buhat sa Zhongli sumakay ka ng mabagal na train patungo ng miaoli.pagdating naman ng miaoli sasakay ka ulit ng mabagal na train.patungo ng Houli Station.
Note: Houli Station ay maliit na Station lamang kaya walang tumitigil dito na kwai kwai..o yung mabilis n train.Miaoli to Taichung lamang ang available na train para makarating ng Houli station without transfer.
Facebook Page:
The Viewfinder Photography/AA Photographer
My Blog: Juanderturista Blogx
Juanderturista.blogspot.com
Ang Blogger na tumitigil lang nang Bahay kapag umuulan.
No comments:
Post a Comment