Naglabas ng kanilang anunsyo ang pamunuan ng Meco Taipei na lilipat sila sa bago at malaking tanggapan..Ayon sa Notice lahat ng sangay ng ating GOBYERNO ay sama sama na doon.
Mga Kababayan,
Upang makapaghatid ng higit na maayos at mabilis na serbisyo, ang tanggapan ng Manila Economic and Cultural Office sa Taipei ay nakatakdang lumipat sa mas malaki at maayos na lugar sa 55-57 Zhouzi Street, Neihu District simula sa 12 February 2018.
Ang bagong tanggapan ay maaaring mapuntahan sa pamamagitan ng Wenshan-Neihu (Brown Line) train ng Taipei MRT or mga bus na bumibyahe sa Neihu Road. (Bus: 21, 28, 222, 247, 267, 286, 287, 620, 683, 646, 677, 681, 946, 946 副, 棕16, 紅2, 藍7, 藍 26, O-Bank, 268, 552, 556, 645, 902, 紅3, 紅31, 藍27, 棕20, 1573, 950, 綠16, 956)
Ang pinakamalapit na istasyon dito ay ang Gangqian station exit 2, kung saan maaari nang lakarin upang makarating sa bagong tanggapan ng MECO.
Isang “One Stop Shop” ng lahat ng opisina at sangay ng ating pamahalaan na nagbibigay serbisyo sa mga Pilipino sa Taipei tulad ng Department of Labor and Employment, Department of Tourism, Department of Trade and Industry, OWWA, SSS, Landbank at Pag-Ibig Fund ay matatagpuan na din sa bagong tanggapan.
Para sa karagdagan na kaalaman, maaari lamang pumunta sa MECO website, www.meco.org.tw
Hinihingi po namin ang inyong suporta at tulong upang mapalaganap ang pagpapabatid na ito sa mga kapwa nating Pilipino sa Taiwan.
Maraming Salamat mula sa pamunuan ng MECO!
Please share!
reblogging.
MECO-TAIPEI OFFICE SETS TRANSFER TO
NEIHU ON FEBRUARY 12, 2018
The Taipei office of the Manila Economic and Cultural Office, the Philippines’ representative office to Taiwan, will be moving to a bigger and better location in Neihu district on February 12, 2018.
The new MECO-Taipei office, located at the 2nd Floor, No. 55/57 Zhouzi Street, Neihu District, will now house a “one-stop shop” of other Philippine government offices with operations in the island, such as the Department of Labor and Employment, Social Security Service, Pag-Ibig Fund, and the trade and tourism offices.
ABANGAN ANG BAGONG UPDATES..
juanderturista blogx
juanderturista.blogspot.com
No comments:
Post a Comment